Tick-tock-tick-tock

Sabihin na lang natin na 2 years na lang bago maging kasing edad ko si Hello Kitty ngayong 2004. Kaya nung nagkita kami ng mga kamag-anakan ko nung isang linggo putangina di ako tinantanan ng isa kong tiyahin na mag-asawa na raw ako.

I think itong expectation na ito mas mabigat lalo na kapag babae kang close to your 30s. Kasi may expiration ang egg cells ng kababaihan. And to ensure na healthy ang offspring mo, may certain age na dapat kang mag-conceive or else if beyond that baka bugok na at latak na yun mga itlog sa ovaries. hahaha But that's science. Whether you like it or not, cycle nga ng katawan natin yun.

Pero since nung mga panahon ng mga nakakatanda natin eh maaga sila nagsisipag-asawa (between 24-26 sa mga tiyahin at nanay ko), they expect din tayong mga younger generation na ganon din ang ating gagawin. Pero hellooo... iba naman kaya yun given variables nung panahon nila nung 1970s at ngayong year 2004 na. Although sabihin nating same pa rin ang formula na kelangan gamitin, kelangan naman isa-alang-alang ang iba pang factors.

Marriage is no joke. Parang two different cultures na nag-merge at kelangan magsama sa isang bubong. Imagine one's from Mars and the other one's from Venus sabi ng isang libro. There has got to be some form of mental and psychological preparedness to start your most basic form of group in the society which is a family nga.

Para kang nagtatayo ng sarili mong kompanya, yun nga lang you cannot fire anyone. Pwede mong i-terminate yun asawa through annulment pero you cannot leave your kids. And obligado ka rin itaguyod yun mga anak mo at ipalaking maging kapaki-pakinabang sa ating lipunan.

Ang sa akin, gusto ko silang magkaroon ng sarili nilang gusto (passions baga) at sariling pangarap. Sana hindi lang maging nurse sa ibang bayan ang kanilang maging hangarin sa buhay, pero kung gusto rin nila yun eh wala na kong magagawa.

Ako kaya di nagmamadaling mag-asawa... I don't want my kids to live my dreams, they're unique individuals and they're NOT ME. I want them to be who they want to be. Kaya hangga't single ako, hala sige kung ano gusto kong gawin ginagawa ko! Dahil as much as possible I want to live my dreams.

Andami ng kalalakihan na ewan ko ba... takot nga raw yata sa akin. O kung meron man na gusto ko, ayaw ko naman. Well... dun sa mga nagustuhan ko, tatakot daw sa commitment. Pucha! Kala ba nila aabot kami sa kasalan ng ganon-ganon lang? I have nothing against marrying pero WALA pa ako nahahanap sa Pilipinas na lalaking worthy of marrying. Isip-isip ko nga baka kailangan ko ng lumipat ng bansa. Pero, siyempre, ano naman gagawin ko sa ibang bansa? Eh dito ako kailangan.

Boyprend lang muna hanap ko. Late bloomer ako eh. Yun tipong ka-holding hands sa may Acad Oval habang naglalakad o di kaya yun tipong ka-tumbahan mo ng puno sa may Sunken Garden o di kaya Track Oval pag medyo madilim na....

Comments

Anonymous said…
hehe, ako din di ako nagmamadaling mag-asawa. magka-anak lang! =)
-noreen

Popular posts from this blog

Being On The Wrong Continent

Five Minutes of Fame

Meet Louie Oviedo