God, kung mabait ka...

God, kung mabait ka nga, pasikat ka naman! Ewan ko ba kung anong meron ngayong gabing ito at init na init ako. Sana umulan.

Umuulan pa ba ng October?

Dapat sana malamig na paligid ngayon kaso bakit hindi pa rin? At bakit ang init-init?! Tutal wala naman tao dito sa kwarto ko, makapagtanggal nga muna ng shorts.

Tinamaan naman ng lintik! Bakit kasi ang init na nga sa umaga, ang init pa rin sa gabi?!! Kailangan ko tuloy tapusin lahat ng mga so-called freelance projects ko sa gabi.

Day 1

God, I think I'm good at being a bum. I am SO good! I think I'm gonna professionalize it. Kapag may nagtatanong kung ano trabaho ko ngayon, sinasabi ko na lang na bum ako para walang usap-usap. Mahirap ipaliwanag pa, eh.

Pero OK na rin to sa halip na wala akong ginagawa. Kailan ba naman nangyari yung wala akong ginagawa? Kahit sa sarili ko, I'm bumming around ngunit sa tingin ng ibang tao busy ako. I never really asked to do this, basta kusa lang lumapit. Biglang may pondo na at kung aayawan ko raw, hindi raw pwede at ako lang pwede gumawa nito. 'Yun nga lang hindi ko alam kung ano ang tawag sa trabaho ko kaya pasensiya na kung professional bum ang tawag ko sa sarili ko. Lagi lang akong nasa bahay. Laging nasa harap ng computer. Katabi lang ng kama ko ang opisina ko.

Bumabalik na yata dati kong addiction sa pagcha-chat.

Day 2

At 3pm kanina: may message daw ako sa friendster. Sino ka? Taga-Alabang? Ta*na mukhang taga-Iraq pero in fairness cute siya! Makapag-hi nga. Ano profile mo? Graduate ng UCLA. Totoo ba to? Uy! may message kaagad! Siguro online siya!

"I'll be frank and honest with you, do you go for casual sex?"

Errr. Sino na naman tong t*#ntadong 'to! Akala ko ba friendster from the rootword "friends" tapos ipo-proposition sa kin casual sex?! Nyeta!

Hindi ko malaman kung hipokirita lang ba ako pero bakit ganon? Kapag may nagyayaya sa akin ng SEB (magkikita lang para mag-sex) o kahit ano basta may kinalaman sa sex medyo tumitklop ako at lumalabas ang aking pagiging Maria Clara, ang aking pagiging dalagang Pilipina.

Matingnan nga ulit mukha niya: mukha bang may STD?

"I'm sorry but I value a man's personality more than his p*nis.

Day 3

Update lang nang update. Email dito, email doon. Phone call diyan at phone call doon. Hindi na ba ako aalis sa harap ng computer na 'to? Kelan kaya ako masisikatan ng araw? Dapat may biyahe ako ngayon papuntang Laguna. Isa pang trabaho kong pang-bum. Kaso kailangan kong ayawan at may tinatapos nga kako akong raket. Ang init pa rin! Sa gabi na lang ulit ako magtatrabaho. Makatulog nga muna habang mataas pang araw at mainit sa pwesto ko.

Day 4

4am: Uy! Nasa YM (yahoo messenger) siya! 'Yun crush ko. Actually, how do I classify him? I dated him, nothing happened of it. Tapos nalaman ko na lang sa aking grapevine na malibog siya so bandang June yata tinanong ko kung sakaling libog na libog na ko, pwede ba kako kami mag-sex? Hanggang ngayon, October na, wala pa ring nangyayari. How ironic! Yun mga willing victims inaayawan ko tapos heto binibiktima ko. I don't know what is it with this guy but seeing his name on my ym excites me and whenever he says he's horny also makes me horny!

Me: Hiiiiiiiii!
Him: Hi din!
Me: Kumusta ka na?
Him: Horny pa rin hehehe
Me: Ahhh... had any luck?
Him: None.

This is it! Kaso since June I've been asking him, umo-oo pero di naman din kami nagkikita. Pulos chat. Baka today's the day or the night, whatever. Wala na akong sense of day and night. "Wanna have sex?" Yun lang ita-type ko. One night lang kung kailangan pang i-specify, dedma to the world kung ma-inlababo pa ako sa kanya. Basta, THIS IS IT!

Him has logged out.

O SH*T! Na-disconnect siya! Maybe it's a sign from God. *sigh*

Day 5

Limang araw na rin akong di lumalabas ng bahay. May kailangang tapusin eh. Kakapagod. Di nga pagod katawan ko, pulos utak ko naman tumatakbo. God, kung mabait ka nga, pasikat ka naman! Ewan ko ba kung ano meron ngayong gabing ito at init na init ako. Sana umulan. Umulan ng malakas na malakas.

Oras-oras na yata akong naliligo, sisipunin na ako. Naka-panty at bra na lang akong naglalakad sa loob ng kwarto ko sa sobrang init! Kung may webcam lang sana ako, hindi lang siguro ako ang nag-iinit ngayon.

God, matagal-tagal na rin akong hindi nadidiligan.

God, kung mabait ka nga, pwedeng magpaulan ka ng lalaking magaling kuman *toot*?


Hay naku! "Magkakaroon" lang yata ako kaya ganito ako. Pero, God, I meant what I said!

Comments

Popular posts from this blog

Yahoo! Finished my other blog!!!

Being On The Wrong Continent

Five Minutes of Fame