Is it Hot in Here or Is it Just Me?

Aren't we a little bit too overdressed for a tropical country? Kung accurate ang music video ni Sean Paul, bakit sa Jamaica naka-two piece lang sila sa daan?

We take so much pride in dressing too much. Andami-daming patong---may blazer, may long sleeves pa, yun iba may tie pa! Tapos kung babae ka, papalitadahan mo ng foundation at face powder ang mukha mo. May blush, may eyeshadow, may mascara habang unti-unting malulusaw tong mga to habang palakad ka papunta ng opisina. Retouch ulit pagdating ng CR. Kaya laging puno ang ladies' room, lahat nasa harap ng salamin.

I can just imagine kung paano dahil gawain ko rin yan dati. Dati nung may opisina pa akong pinapasukan diyan sa Manila tapos napunta ng Quezon City lumipat ng Ortigas napadpad ng Makati. Ngayon, balik ng Quezon City.

Ang init-init naman ng bansa natin. Buti sana kung lahat ng aircon kasing lalakas ng mga bagong building sa Makati. Gaya ng call center na pinagtrabahuhan ko last year na tipong may baon akong trench coat sa grabe ng lamig nung opisina. Feeling New Yaker tuloy ang lola mo.

Pero ngayon I'm just working on my own company. Isang struggling na office manager na tipong sarili lang niya ang mina-manage. At di naman airconditioned 'tong opis kong katabi ng kama ko. Take note na industrial fan lang naman na tunog eroplano ang nagpapalamig ng buong kwartong ito.

Imagine mo lang na summer. Alam naman natin kung gaano kainit sa Pilipinas?

Kaya heto nagtiyataga akong magtrabaho na naka-bikini. Two piece siya, kulay blue at may design na puting bulaklak. It's cheap buti na lang hindi maong. Lagi ngang Hawaii Five-O, Tiny Bubbles at Pearly Shells ang background music ko dito o di kaya para medyo astig si Bob Marley naman.

Swerte ko naman na mga kliyente ko sa text at sa email ko kinakausap. O di kaya pag medyo masinsinan... sa instant messenger.

Kaya nga anlaking sakripisyo pag minsan na may "Can we meet?" na request yun iba kong kausap.

Di ko lang masabihan, "Pwede bang naka-bikini diyan sa pupuntahan ko?" Siyempre hindi. Kaya ayun, suot ng pantalon o palda, t-shirt o blouse, lagay makeup, at bitbitin ang blazer.

A few weeks ago, I had the unfortunate experience of going into a government office---sabihin na lang natin na kailangan ng nanay ko ng authenticated version ng birth certificate niya. Dahil nung itinawag ko sa telepono, pagdating ng probinsya ang sabi sa sulat wala raw silang kopya. Since very lenient naman ang boss ko dito sa opisina na ako rin naman, pumunta ko dun sa opisina niya diyan sa may East Ave.

Bawal ang shorts, sando, at tsinelas.

Nagkataon naka-shorts at bakya ako nun buti na lang naka-long sleeves ako! Akala ko parang peyups din na pwede kang mag-enroll na naka-pambahay look. Ayaw ako papapsukin ng guard, basahin ko raw ang nakalagay sa notice nila. Malay ko ba. Pasok pa rin ako, matigas ang ulo ko e! Sinita ako nung guard sa kabilang lane na pinasukan ko. Pagkakita ng form ko ang sabi sa kin sa may Quezon Avenue dapat ako nagpunta.

Kung pumunta kaya akong naka-bikini doon, sisitahin pa rin kaya ako? Shorts, sando at tsinelas lang naman pala ang bawal e.

Apparently, ganyan din naging experience nung mga kaibigan kong kumuha ng exam dito sa may opisina bandang Banawe. Tatlo raw silang kukuha, dalawa sa kanila naka-shorts. Mga barako nga pala tong mga ito na mukhang mga kargador sa pier kalalaki ang katawan pero cute naman sila.

Ayaw sila papasukin ng guard. Buti na lang daw, tamang-tama, may nahanap silang ukay-ukay na malapit. Nakabili sila ng pantalon ng di oras. Ayaw pa nga raw tanggalin yun etiketa at balak pa yata isauli sa tindahan pagkatapos ng exam. Isip-isip lang nila, "Kung foreigner ang naka-shorts at tsinelas na papasok sa opisina ninyo, sisitahin niyo ba?"

Magbihis disente. Ang tanong, disente ba naman kaya yun mga overdressed na empleyadong makakaharap mo sa loob? Na-disinfect na rin kaya yun opisina nila ng graft at korupsyon?

Mabalik na lang tayo sa bikini ko.

I have this theory that the more you see your body, the more true to yourself you become. Paano kamo nangyari yun?

Mataba rin ako dati. Dami sa mga kaibigan ko magte-testify kung gaano ako kalaki dati. Kakabili ko ng self-help na libro, sabi nung isa "Take off your clothes and look at yourself in the mirror."... yun pangalawa naman... "The only way you can lose weight is to accept you're fat".

I saw the the plain, naked truth---I do not like what I saw. Biruin mo, sarili ko na ngang katawan, pinipikitan ko pa pag nakaharap sa salamin.

Kaya two years ago, nung sinabi ko sa sarili kong, "Louie, antaba mo! T*ngina 150 lbs ka na!! Sabi pa ng mga kaibigan mo tumataba ka pa!!!" Saka lang bumaba ng 127 lbs timbang ko.

Nung nakita ng pamilya ko yun pagbabago, pati nanay at tatay ko nakakita ng pag-asa na hindi pala naturally big boned ang pamilya namin. Di kalaunan nabawasan din timbang at high blood nila.

Kahit gaano pa kaganda ang suot ng isang tao, it would not change anything kung ang sistema bulok pa rin. At hanggang nasa state of denial ka pa rin, wala talagang magbabago. Ika nga ni pareng Carl Jung, "We cannot change anything unless we accept it."

Once we accept, that's when change happens.

Kaya nung pinakita ko sa bro ko kung bagay ba kako yun bago kong bikini, tinakpan ng kamay yun mata sabay sabing, "Ate, magbihis ka na. Pulos boobs nakikita ko."

At least di na halata yun puson.




Hindi ko nga lang alam kung pwede nga pang-swimming 'tong string bikini na 'to. Sa ngayon, sa banyo ko pa lang pinampapaligo. Pwede ko kaya i-relocate opisina ko sa beach for the summer? Kaso insufficient funds at wala raw sa budget sabi ng boss ko.

Comments

Popular posts from this blog

Being On The Wrong Continent

Five Minutes of Fame

Kate's Bunny